Wala lang talaga akong magawa sa mga oras na ito kung kaya naman ay naisipan kong pumunta dito sa debate section. E kaso wala akong nakitang bagong post. Kaya naman nakapagdesisyon akong gumawa na lamang ng panibagong mapagkakaabalahan nating pagtalunan. E kaso...wala akong maisip na subject. Nag-isip-isip ako ng medyo matagal-tagal rin naman..Kung kaya naman ay (aw. Ilang beses ko na bang inulit ang mga linyang ""Kung kaya naman ay" at "E kaso.."? Tsk. Ganito ata talaga ang dala ng sobrang walang magawa sa buhay. =__=. Anyway!!!
Kung kaya naman ay naisip ko ang tanong na ito:
Kung bibigyan kayo ng pagkakataong mabuhay muli (kung may chance ka pa sa langit sa sobrang dami ng iyong kasalanan o kaya naman ay dahil sa sobrang bait mo ay ayaw ka nang pakawalan ni Lord xD ) sa mundong ito, pipiliin mo pa rin bang maging Pilipino o hindi na? Bakit at bigyang depensa ang iyong sagot. Ilagay ito sa isang 1/4 sheet of paper na ipapasa bukas ng madaling-araw na may lagda pa g mga parents at ilagagay ang mga salitang "Waiver" sa itaas ng papel. rofl
Shet bored talaga ako. Pero yun nga. Uulitin ko ang tanong:
Kung bibigyan kayo ng pagkakataong mabuhay muli sa mundong ito, pipiliin mo pa rin bang maging Pilipino o hindi na? Bakit at bigyang depensa ang iyong sagot.
PINOY IWONCLAN EXTREME
Extreme ang saya! Extreme ang kwentuhan! Extreme ang pa-premyo! Extreme ang barkadahan!
![]() |
![]() |
![]() |
||||
|
![]() |
|
![]() |
Goto Page: 1 2 [>] [»|] | ![]() |