Marami ang nagtatanong kung bakit lumiit ang Bahay ni Kuya, kung bakit ganun ang logo ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' at kung ano nga ba ang Unlimited Pasabog ni Kuya?
Eto ay nasagap ko lamang sa tabi-tabi. Ayon sa aking source ang Super Bonggang Bahay ni Kuya ay nahahati sa Apat na Bahay. Ang apat na Bahay ay sumisimbolo sa estado ng pamumuhay ng mga Pinoy at sumisimbolo din ito ng pangarap na pag-angat sa Buhay kaya din naman ang Logo ng season 4 ay base sa kulay ng ating bandila. Sa bawat pagtagumpay ng Housemates ay sumisimbolo sa pagtatagumpay ng Pinoy para umangat sa estado ng pamumuhay.
SLUM
Ito ang kumakatawan sa 15 Million na Pinoy na naghihirap sa ating bansa. Kumakatawan din ito sa mga Pinoy na walang matirahan at illegal settlers kaya nagtitiis sa barung-barong para lang may matirahan.
MIDDLE CLASS HOUSE
Ito ay kumakatawan sa mga Pinoy na karinawang manggagawa na hinde mayaman at hinde rin mahirap.
LUXURY HOUSE/ELITE CLASS HOUSE
Ito ay kumakatawan sa mga Pinoy na nasa pinakamataas na puwesto sa estado ng pamumuhay. Sumisimbolo ito ng pagtatagumpay ng mga Pinoy na bunga ng pagtitiyaga at paghihirap.
OFW HOUSE
Ito ay kumakatawan sa mga OFW o ang mga Pinoy na nagsasakrapisyong magtrabaho sa ibang bansa para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya. Ayon pa sa aking tsika, ang OFW House ni Big Brother ay di umano'y matatagpuan sa ibang bansa.
Hinde na ito bago para sa 'Big Brother' Franchise ang pagkakaroon ng isa pang Big Brother House sa ibang bansa dahil nagawa ito ng season 5 ng 'Big Brother' sa Croatia pero ang konseptong UNLIMITED ay unang ginawa sa Pilipinas.
Nabalita ko rin noong Friday na wala nga si Martin Concio bilang isa sa mga hosts ng season na ito pero si Martin, ang iba pang hosts at maski ang ABS-CBN ay tahimik sa biglaang pagkawala ni Martin. Hinde kaya may kinalaman ang konseptong UNLIMITED sa pagkawala niya? I mean baka siya ang host na ipapadala sa ibang banda. Ako lamang ay nagtatanong.
Ang Bahay ni Kuya ay may kinalaman din daw sa pagdami ng staff ng 'Pinoy Big Brother' na mula 100 staff sa mga nagdaang season ay mayroon na silang more than 200 staff. May kinalaman din daw kung bakit may Unlimited Daytime experience pang nalalaman si Kuya dahil nga sa dami ng Bahay.
Pero ang lahat ng ito ay RUMORS pa lamang antayin natin ang mga susunod na araw kung totoo nga ba ang mga ito o hindi.
Abangan ang PBB Unlimited Daytime sa Nov 7. Papalit sa PBB Audition Stories.