First of all, Filipino isn't my first language so I apologize if the way I write in Tagalog seems illiterate and/or annoying.
Okay, so compared sa mga ibang may kailangan ng advice dito, sobrang babaw ng aking problema.
Inimbita ako ng kaklase ko sa kanyang debut. Hindi kami best friends talaga pero close naman kami. (Seatmate ko siya so sa lab groupmates kami, etc.)
First year college pa lng kami. Ako, sixteen pa lng.
Wala pa akong napuntahan na debut. Ever. Maaga pa lng tinanong nya na ko kung makakapunta ako at sabi ko hinding-hindi ko yun iiwasang puntahan.
Ayaw ako payagan ng parents ko. -__- Ang rason nila ay wala daw akong dala na damit, sapatos at bag para sa ganoong okasyon at uuwi na kasi ako sa probinsya sa susunod na araw. Malayo pa daw yung airport.
Papayagan nila ako kung makabili ako ng damit at sapatos. Hindi ko naman talaga kailangan ng bag at pwd akong makitulog sa isa kong kaklase.
Ang dami na kasing kaming mga kaklase na hindi makakapunta dahil sa uuwi na rin sa mga probinsya. Ayaw kong bawiin yung sinabi ko sa kanya.
Magtatanong lng po sana ako kung saan ba pwd makabili (online) ng magaganda pero hindi sobrang mamahalin na mga damit at sapatos... As in specific seller po... Naka-search na kasi ako sa Multiply at eBay...
Ang babaw diba? Sorry po sa waste ng time nyo... Maraming salamat sa pagbabasa...
PINOY IWONCLAN EXTREME
Extreme ang saya! Extreme ang kwentuhan! Extreme ang pa-premyo! Extreme ang barkadahan!
![]() |
![]() |
![]() |
||||
|
![]() |
|
![]() |
![]() |