Pinagalitan ako ng boss ko kagabi sa opisina. Malas talaga ako nitong buong week.
Apparently may nagsumbong sa akin na imbes na pagtatrabaho ang inaatupag ko ay heto ako nagbbrowse sa gaia, sa forum, sa facebook at sa kung saan-saan pa.
Pinatawag nya ako sa office nya at ayun nga, pinagalitan ako.
Bakit daw ako naggagaganon sa opisina eh binabayaran naman ako ng maayos para magtrabaho.
Wala naman akong masabi.
Sabi nya tanggalin ko daw yung mga ugali kong ito, na puro mga walang kwentang bagay ang binibigyan ko ng pansin.
Naisip ko na siguro panahon na talaga na pahalagahan ko na ang sarili ko.
Masakit man sa akin pero kailangan ko ng tapusin ang kahibangang to.
Habang may Gaia ay hindi ko kayang magfocus sa sarili at trabaho ko.
Kaya nakakalungkot man pero heto na siguro ang katapusan ng guild natin, at bubuwagin ko na ang buong IWONCLAN.
Maraming salamat sa inyong lahat at sa loob ng ilang taon e naging magkaibigan tayo at naging parte kayong lahat ng buhay ko.
Sa mga IWC Staff, sobrang proud ako sa inyo at sa kahit saan man ako mapunta ay forever akong magiging grateful
at nakasama ko kayo sa tawanan, problema, at mga iyakan.
Siguro panahon lang talaga na hanapin natin ang sarili natin.
Sakaling magbalik man ang IWONCLAN dito sa gaia ay sana suportahan nyo pa rin. Kung kailan ay hindi ko alam.
Hinding hindi ko kayong lahat makakalimutan.
Sana respetuhin nyo itong desisyon ko.
Muli, maraming salamat at paalam na.
Idedelete ko na ang IWONCLAN EXTREME GUILD.
JACKAL17 Extreme
HAPPY APRIL FOOLS IWONCLAN! LOL.
SAME OLD PRANK I POSTED LAST 2009. SANA TUMALAB PA. =))