Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
1 year na kami!~ <3


ang saya saya kagabi !! NAKITA KO ULIT SYA AHHHHHHHHHH!!!!! emotion_bigheart
Nakasakay sa kanyang scooter habang nunuod ng basketball hahaha!! Haysssss ang cute nya talaga ubeeeer!! emotion_kirakira Ang hirap pa makapwesto at ang daming nakaharang haha! Naglalaro pala ung pamangkin ko hindi na ako nakafocus tuloy sa game nila haha at nakatitig lang kay GM!!~ xd Sobrang sayaa talagaaaa ! Kung ano ano naaiimagine ko habang nakatingin sa kanya! Mga ilang 30 min na yata ako nakatingin lng sa kanya haha! emotion_facepalm

Nawindang naman ako at biglang tumayo sya at papalapit sa akin hala!!! emotion_jawdrop Hindi ko alam ang gagawin ko shocks!! Tumalikod ako at sobrang ninerbyos! Susugudin nya ba ako kasi napansin nya palagi ako nakatingin at biglang tanungin kung sinu ako waaaaaaa!? Shocks talaga !! cat_burning_eyes Maya maya tumingin ulit ako ng pasimple kung nasan na sya kaso hindi ko na makita! Umuwi na ba?? gonk

AUN!! Nakatingin pala sa schedule ! rofl Dun na pala nakalagay kaya hindi ko makita! Sumilip kasi ako nung isang araw para hanapin kung anu schedule nila! Hindi ko nga alam ang name ng team nila ay! crying Susmeyo kala ko talaga lalapit na sakin eh hahaha! xd At bibili pala sya sa tindahan na nasa likod ko ahahaha!! Kitang kita ko ung braso nya kasi naka sando lang sya OMGee so hot nya!! ang payat nya na ulit at ang puti at ang kinis kainis!! Nainggit naman ako sa katawan nya haha! emotion_awesome

Biglang my dumating na motor sa tabi ko kakilala ko pala ! Sinu daw kasama ko sabi ko ako lang at naglalaro ung pamangkin ko. Tinanung kung nasaan eh hindi ko naman sure kung nasa court pa ba sya or nasa bleacher na kasi hindi nga ako nanunuod ng game kasi nakatingin lang ako kay GM waaa ! emotion_jawdrop buti na lang nakita ko din ung pamangkin ko at tinuro ko! Wew muntikan na ako dun ha hahaha! Tumingin ulit ako sa likod at wala na dun si GM! Bumalik na dun sa pwesto nya at ngumunguya na ng nabili nya hahaha! emotion_dowant

hays akalain nyu un 1 year na since mula nung naadik ako sa kanya! Naadik talaga ang term ?? Anu ba tawag dun haha! emotion_kirakira Pag napapalingon sya dun sa pwesto ko grabee I am so gonna die na talaga!~ emotion_bigheart It takes a man and a woman pa ang soundtrack ng mp3 ko yiiiekks!~ emotion_yatta Sulit naman ang papak ng lamok at usok at pawis na dumikit sa katawan ko. Ilang beses pa ako napatama dun sa matilos na something dun sa bike ang hapdi! emotion_0A0 Natapos na din ang game talo tuloy ung team ng pamangkin ko waa!! emotion_zombie Aun umalis na din sya tingan ko sana ang plate number nung scooter nya kaso for registration pa haha! At nung nagbbike na ako pauwi hala parang bumilis ung pedal? Hala anung nangyari nasira ko yata ung bike?! May napindot yata ako na kung ano?? emotion_drool Parang 15min ko na inaayos ung bike tapos aun naman pala! May pinipindot dun sa my break ng bike para pampabilis at pampabagal ng pedal! Kala ko nasira ko na kasi kung ano ano pinipindot ko sa bike pag napapatingin si GM sakin hahaha!! emotion_dowant
Wooo sana mamaya makita ko ulit sya waaaa!!~ emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart





heart PLS SUBSRIBE TO MY VLOG THANKS! heart
heart




 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum