Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Last Game?
User Image




May 9 2013

Last Game?


Yehey dahil walang game kagabi, inagapan ko talaga ngaun! 6pm pa lang pumunta na ako! Excited much lang haha! Pero my game naman na at mga Kids Division nga lang! Ayun ung isang teenage boy friend ni GM ay kasali hahaha! Pero wala si GM waaa?? Bakit kaya? Andito naman ung kapatid nya.. baka mamaya pa sya pupunta. At dahil dyan, uuwi muna ako dahil nagugutom ako hahahaa! Makapag meryenda! pirate

Hayss.. anung oras kaya pupunta si GM? Mag 7 pm pa lang.. punta na ba akong court?? Tara na nga !! Hindi pa din tapos ang game ng mga kids ahh! Mukang dikit ang game nila.. pero ang pinaka mahalaga ay naayun na si GM!! WOOOO ang cute nya oh! Naka fit na black shirt tapos parang blue/black ba ung short nya?? Parang bagong ligo sya ahhh? Fresh na fresh ang bango nya siguro hahaha! Aba kumakain yata ng bubble gum at nguya ng nguya! Bakit kaya sya nagtatakip ng ilong gamit damit nya?? Mabaho ba dun?? Eh bakit hindi na lang sya lumipat ng pwesto? Baka gawa nung usok ng barbeque? Ehh ang layo naman ohh ? Hindi ko tuloy makita muka nya gawa ng nakatakip hmp!! At time out nanaman ang game. Ako lang magisa nanunuod dito sa pwesto ko asan na ung iba kaya?? Waaa haha napunta tuloy sakin ung bola! Papasa ko ba sa referee or dun sa batang nakaabang ? Sabi nung bata oh "akin na" haha kaya pinasa ko sa kanya at binigay sa referee! dramallama


Matatapos na ang game nila! Ay natalo ung team ng friendship ni GM!! So sad naman ! Oh well ganun talaga they did their best naman! Panu mo alam ? hahaha baliw lang! Hala binigyan sya nung isang bata ng candy yata un at tinapon na nya ung bubble gum nya, itinabi pa nya sa gilid oh para hindi maapakan ng iba! Ang bait nya talaga hahaha! Oh hala tumayo sya nangalay na yata. Lumipat ka na kasi ng pwesto kung mabaho dyan? Eh bakit ung iba naman hindi, ung isa din nyang katabi nakatakip ehh. Kids Division nanaman ang kasunod! At ayon sa aking nakitang schedule kanina may laro sila ngaun yehey!! Woooo ang saya talaga! Sana manalo sila! Pagkatapos yata nitong Kids Division at sila na ang kasunod! heart


Ayan na umalis na sya sa pwesto nya at lumipat dun sa my Ring haha. Aba ung short nya pala eh ung uniform nila !! Baka para mag palit na lang sya ng damit mamaya haha. Ang puti nya lalo sa suot nyang black na shirt grabeeee. Ang cute talaga haysss! Sya na yata ang pinaka crush ko talaga ngaun ! Hindi naman obyus anu haha! Ay bumili sya ng palamig? Haha ang cute nya uminom naka straw kasi ! Anu ba yannn ang cute nya talaga bakit ganuuunn?? Naku natakluban na sya ng mga tao hindi ko na masyado makita! Nuod muna nga ako nitong basketball anu ba nangyayari dito?? Oh hala matatapos na pala eh last quarter na! Naku naiihi na ako!! Pagkatapos nito uwi muna ako at saka kumain na din kaya ako? Pero sina GM na ang kasunod na maglalaro!! Naku mamaya na nga lang! Waaa asan na sya?? Nagbibihis na yata? biggrin


YEHEY ayan na ulit syaa wooo naka uniform OMGee so cute talaga !~ Hala bakit wala pa ung iba nilang team mates?? Pumunta sila dun sa kabila oh, baka hinahanap nila? NAKU wala pa sila! Etong kabilang team ay medyo madami na! Sila 3 pa lang?? HALA ! Naku kelangan nila kahit 5 lang para hindi sila ma default! Tawagan nyu kaya! Naku anu ba yan kinakabahan naman ako! Wag naman sana sila ma default huhu baka kasi eto na ang last laban nila! Yung makakalaban nila ay Yale nanaman. Sila yung mga nakalaban nila last time na natalo sila ! Sana makabawi sila! emotion_facepalm


Ayan na!! Akala ko hindi na dadating ung mga kateam nya!! Aba bagong gupit ung si Chinoy haha! Parang 15 minutes na yata kami nag aantay buti na lang hays!! Practice practice ulit ng pag shoot! Syempre pag si GM nakakashoot sya ahaha! Naku nagrereklamo na ung mga audience ang tagal daw mag start eh kumakain pa ung mga committee! Ok lang yan kasi mas matagal ko pang matitingan si GM hahaha! Ayan na mag start na OMGee!! emotion_yatta


At nasa kanila agad ang bola !! Shinoot kaso sablay! Nakuha ng kalaban at shinoot kaso nasablay din!! Ayan pinasa kay GM fastbreak at na shoot nya !! WOOOOO first points sa kanila yehey!! Mukang babawi ang kabilang team! Shinoot nila kaso sablay pa din! At pinasa naman na kay GM ang bola at shinoot nya !! 3 points !! WAAAAA sya nanaman ang naka score hahaha! 0 - 5 na ang score!! Mukang my pagasa silang manalo ngayon ahh!! Pero maagap pa sabihin yan kasi kalimitan nababaliktad ang game! Ayan na nga at umatake na ang kabilang team!! Hala sunod sunod ang score nila ! Naku naka foul pa ang team UK! Free throw tuloy ang kalaban at na shoot nila waaa!! Nabaliktad na naku! 18 - 11 na ang score mas lamang na ang kabilang team! at tapos na ang first quarter!! Makahabol pa kaya ang team nina GM! Go team UK! Ayan na start na ulit! emotion_c8


Grabe dikdikan ang game! Mas madaming matatangkad sa kalaban ! Kaya mas madali sila nakakashoot oh! My matangkad din naman dito sa team UK at magaling din mag forward! Buti meron din sila magagaling talaga ! Pinalitan muna si GM! Ibabalik din yan mamaya! Si Mak muna ang lumaro! Naku foul ! Free throw nanaman ang kalaban! Hala wag nyu ifoul kasi magaling sila mag shoot! Waaaa ang laki na ng lamang ng kalaban! Hala tapos na agad ang 2nd quarter ! 37 - 23 na waaaa ang layo na ng score ng kalaban sa team UK!! emotion_drool


Hala pasaan ung isang member? Uuwi na muna daw at namamantal! Yes magaling pa naman un haha! Pero madami pa din magaling dito sa kalaban nila! Kayang kaya nyu yan team UK! Lipat muna ako sa kabila kasi magcchange court na yan Im sure! 3rd quarter na eh hahaha! Aba madami din naman pala nanunuod dito sa kabila. Ayan na start na ulit! Yehey andyan na ulit si GM! Woooo! Buti naman at my sumisigaw na din para sa team UK! Hati ang mga audience sa pag cheer! Naku malapit na sa penalty ang team UK! Wag na kayo mag foul at nashshoot ng kalaban yano! Waaa ayan na nakahabol na sila! Pinasa kay GM at naka 3 points waaaw! Kahit wala sya dun sa pwesto nya palagi na nakaka 3points hahaa! Ang galing talaga nya! Naku binabantayan sya maiigi ng mga kalaban natatakot na pashootin si GM! Kaya pag binibigay sa kanya hindi na nya mashoot at pinapasa nya sa ka team nya! Ayun naka foul ang team Yale! Si tangkad nanaman haha palagi na lang sya ang nag ffree throw pero buti naman kahit papaano ay nashu-shoot nya! Mukang nakakahabol na sila GM! Pero lamang pa din ang kabilang team ! 51 - 41 na ang score at tapos na ang 3rd quarter! 10 points na lang kayang kaya nyu yan team UK! OMGee pagod na pagod na si GM! Humawak pa dun sa bakal na parang preso at parang hinahabol ang paghinga ! Gusto ko tuloy sya bigyan ng power hug haha!
emotion_hug


Naku last quarter na! This is it! 4th and final quarter!! Waaaa sana makahabol pa sina GM! Grabe nakakakaba naman! At pinasa kay Chinoy ang bola! hala naka 3 points ! Waw ha! Marunong pala sya nun kala ko puro forward lang sya haha! Naku na foul naman ang kabila at naka shoot! Nakuha ni Chinoy at finorward nanaman nya kaso sablay! Ipasa mo kasi sa iba mong kateam !! Ayan fast break sila!! Na kay GM ang bola at shinoot nya !! Yehey muntikan ng hindi ma shoot haha! Waaa na foul pa sya ng kalaban kaya mag ffree throw pa sya wooo!! Shoot mo na yan GM! WAAA!! Shoot nga! Haha! Nakakahabol na sila kaso lamang pa din ang kabila!! Fast break ulit ang bola habulin mo GM daliiiiiiiiiiiiiiiiii!!! Sayang lumampas sa court ung bola hindi umabot si GM haha! Naku ilang minutes na lang pero mas mataas pa din ang kalaban!! Waaa foul pa ang team UK! Naku shoot yan kasi magaling mag shoot yung player na mag free throw! Huhu ang laki na ng lamang ng kalaban! Naku first foul pa ni GM. Wala nang pag-asa huhu ilang seconds na lang! At nasa kalaban pa din ang bola! Ayun wala na give up na sila hindi na nila tinapos ang ilang seconds! Naku talo nanaman sila! Knock out game pa naman ngaun kung sinu manalo ngaun, sila ang makakasama sa finals hayssss.! 74 - 60 ang score grabe! Sayang na sayang naman wala na tuloy akong iccheer!! WAAAAA naghubad nanaman si GM! Naku anu ba yan hahaha! Uuwi na muna ata sya oh! Makauwi na nga din at meron pang kasunod na game kahit 10:30 pm na! Pero babalik pa kaya sya? Siguro babalik pa yun kasi semi finals na!! Kaya babalik din ako! Makakain muna !! emotion_omnomnom


Hala 12 - 10 na agad ang score ng bagong game? Ambilis naman kumain lang ako ehh! Naku asan kaya si GM bumalik pa kaya sya?? WAAAA ayun syaaa haha!! Buti naman at bumalik pa talaga sya wooo!! Naku last na game na yata yung kanina at last na din ko na sya siguro makikita na lumaro kasi baka next year baka nagttrabaho na sya kaya baka hindi na sya makasali sa mga ganyan?? Pero gabi naman ehhh ! Pero baka nasa barko na sya waaa! Hindi ko na talaga makikita huhu! Nakakalungkot naman.. kahit nakikita ko pa din sya ngaun ohh naiisip ko na hindi ko na ulit sya makikita araw-araw. Wala na akong masusulyapan gabi-gabi! At tapos na ang 1st quarter ng game! emotion_brofist


Hala pumunta nanaman sa akin ang bola ng mga bata! Pangalawang beses na to ah ngaung araw haha! Hays kitang kita ko si GM dito ohhh, ang cute nya mag kwento dun sa kausap nya talagang todo hand gestures pa haha! Siguro nakakatuwa kakwentuhan tong si GM! Baka nga hindi ako makakwento pag sya na ang kausap ko waaaaa! Pero hindi naman mangyayari siguro un hahaha! Buti na lang at nasa right nya ung kausap nya kaya nakatingin sya dito sa may amin hahaha! KILIG MUCH lang !! Anu kaya pinagnkkwentuhan nila? Parang maririnig ko naman pag tinanggal ko tong earphone ko ma try nga.. medyo lang pero hindi ko masyado rinig gawa ng basketball! Nakakaabala naman yang basketball na yan bakit ba kasi meron nyan at ung announcer! AHAHA! Nainis sa basketball eh. Hala hala may nakita syang kumakain ng Piatos at hihingan nya kaso patakbo pa haha pero nakakuha naman sya!! Favorite ko kaya yang Piatos! Parang gusto ko din tuloy kumain! Ngalay na yata sya nakatayo ayun umupo muna dun sa may likod ng ring na may bato haha ang cute talaga ihhh! Waaa kulay green din ung tsinelas nyaaa hahaha! Hala muntikan na tumalsik samin ung bola! emotion_jawdrop


Aba dikit ang game nila oh parehas magaling! Kaso mas lamang na etong kabila.. OMGee matatapos na pala?? WAAAAAA!! NOOOO!! GM!! Uwian nanaman?? Huhuhu anu ba yan ! May laro pa kaya bukas?? NAKU SANA NAMAN NO!! Hindi ko na yata kayang hindi sya makita bawat araw! Bilang na ang maliligayang araw ko waaaa!! THIS cAN't BE!! cat_crying cat_burning_eyes cat_gonk


(P.S. ang hirap makuhaan ni GM grabe! My mga tao kasi sa likod ko baka mahalata nila na kinukuhaan ko kaya todo tago ako haha, kaso puro blurred naman! Buti na lang at umalis din yung mga nasa likod ko at nakuhaan ko din sya woooo emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart )






 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum