Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Lumingon ka lang
User Image

May 11 2013

Lumingon ka lang


hayss.. Saturday ngaun edi walang laro huhu, anu kayang magawa? check ko kaya ang court at baka sakali lang din meron ahihi!~ OMGee!! Bakit may ilaw sa c0urt?? Ibig sbhin merong game ngaun?? Hala!! Meron nga! Grabee! Akala ko ba walang game pag Saturday kasi may misa ng 6-7 pm?? WaAaA! Makapagbihis na nga at baka andun si GM! blaugh


Ay baket ganun hndi pa yata nagsstart ahihi, naku wala sya dun sa pwesto nyaa?? Baka hindi sya manunuod ngaun ahh? Pero baka naman pupunta yun dito? Mahanap ngaa.. wala talaga! Hays.. Makauwi na lang kaya? talk2hand


HALA SYA BA TONG NASA MY SIOMAI?? Hala parang sya nga?? OMGee ! ! sya nga! nag aalaga sya ng baby nung magssiomai?? Hala andyan lang pala sya sa tabi ko! Madilim kasi kaya hindi ko napansin ahaha! Kunwari hindi ko pa alam na nandyan sya kasi parang alam nya na andito ako ay tapos titingnan ko kung tumitingin sya dito haha!! hala tumayo na sya! tumapat na sya sa may ilaw ! Omgee ang lapit nya! Hala tumingin sya dito !! Tumayo siguro sya para magpakita sakin?? WAAAA haha! Ayan tuloy lumipat na sya dun sa pwesto nya haha! Kids division pa din ang naglalaro! cat_blaugh


Waw ang dikit ng laban nila ah! Meron pa kayang laban bukas? Mukang finals na eh.. wala tuloy akong music ngaun kasi naman nagmadali na ako pagpunta hindi ko mahanap ang earphones ko! Ayan na mukang mananalo na ang team Kamandag ah! At panalo na nga sila! Aba si Carl un ahh? Manunuod rin yata. Ayun nilapitan ni GM parang nagpapabili ng palamig eh ayaw naman ni Carl haha! Hay ang tagal ko na din nakatayo nangangalay nako. cat_sad


WAAAA lumapit sya dito! Hala bumibili ng palamig haha! OMGEE Nasa likod ko lang sya!!! Ang hirap lumingon pag ganito kalapit! Sana bumalik na sya dun sa pwesto nyaaaa! WAAAA lumapit pa sya lalo OMGeee!! Akala ko babalik na sya dun nakuuu ! Sobrang lapit na namin sa isat isa parang hndi na ako makagalaw at makahinga nito! OMGee OMGee OMGee OMGee OMGee OMGee !! grabe ilang minutes na ba sya andito waAaAa! emotion_jawdrop


Buti naman at umalis na sya hahaha! Lumipat na sya dun sa may ring. Grabe! Nakakatense talaga kanina bakit ganun nakaklerki !! Hala ung Pudra nya to ah pauwi na yata? WaAaAa baka tawagin na sya at isama na pauwi?? Wag po wag po ayan na malapit na sya kay GM! Yehey dedma lang haha! Tiningnan lang ni GM pudra nya! Hinde man lang nagpansinan yano siguro hindi sila close?? WAAAA BAKIT NAKATINGIN NAMAN SYA DITO?? HALA OMGEE I AM SO GONNA DIE NA HAHAHA! Ang tagal nung tingin na yun grabi! emotion_kirakira


Woo buti magstart na ang junior division kaya bumalik na sya dun sa pwesto nya haha! Wala daw mag sscore ! Eh sila lang dalawa nung teenage boyfriend nya at mga hindi kilalang lalake ang andun! Tinuturo nya ung katabi nya eehhh sabi nung katabi eh masakit daw ang tuhod haha! Pero sya pa din ang kumuha ng chalk! Kala ko si GM na mag sscore eh hahaha! Aba team Yale Star nanaman at team Mama's boy! Ito na lang yata ang team na maglalaban ah! Tinatawanan ni GM yung mag sscore kasi namali haha !! Higpit ng laban ah pag makakapoints ang isa bumabawi naman ang kabila! Mukang matatalo ang mama's boy at mas mataas na ang yale star! At nanalo na nga sila! Tumaas ng tumaas ang score nila ng 4th quarter at hndi na nakahabol ang Mama's Boy! emotion_puke


Aba meron pa yatang game? Volleyball naman! naku baka umuwi na si GM?? pero parang hindi pa naman kasi nakaupo pa din sya. Parang kilala ko yung katabi nya ah? Ah! Si Chinoy pala yun! Ngaun ko lang sya nakita na nanuod ng game ahh, ahaha hiniram nung bata ung cellphone ni GM, ang cute naman para na syang daddy nung bata na tinuruan mag games ahaha! OMGee tapos si Chinoy naman ang isa pang daddy Waaaa! Im so inggit naman! Hala ayaw na ibalik nung bata yung cp nya haha, ayan parang tinatakot ni GM yung bata na baka maputol ang braso nya kasi hinahawakan nya sa braso tapos may tinuturo sya?? ahaha ang hirap naman manghula! Hala tumakbo na yung bata at hinahabol ni GM! Ayaw na ibalik yung phone nya haha! naku nalaglag pa! Tinawag nya ayun lumapit naman at umupo sa harap ni GM! Ang cute talaga haha parang lapitin talaga sya ng mga bata or sadyang friendly lang talaga sya! OMGee lumapit dito si Chinoy tapos umalis din? Tumingin lang dito at sa kanan ko? Baka my motor sya dun at sinilip nya lang? emotion_dowant


Tapos na ang first game ng volleyball panalo ang Karachi ah. Magagaling naman sila kasi mga bata din ang magkakalaban! Hala anu kaya pinagkkwentuhan nila ni Chinoy? parang humahawak sa manibela ung kamay nila? may tricycle pala dito sa likod ko makaupo nga muna! Eto yata ung inupuan din nina GM nung isang araw haha! Ilang oras na din ako nakatayo dito grabe ang sarap umupo!! Bakit ang tagal mag start? Grabe ang saya naman ng mga tao! nakakaiinggit naman lahat sila may kausap dito ohh samantala ako magisa lang! Huhu ayaw kasi ako samahan ng DEKS yanooooo. emotion_0A0


Ay hala! Natumba yung table at yung Ale na nasa unahan nitong tricycle! Hala lasing na yata! Anyare ?? Ahhh naka tagilid kasi itong table eh hindi pantay yung kalsada kaya na out of balance sya. Nagsisisihan sila nung kainuman nyang lalaki haha sinasabi na nga daw nya na tabinge ang pwesto ni Ale eh hndi pa sya lumipat eh sabi naman ni Ale gawa daw ni Kuya haha, nakitingin tuloy lahat dito. Hala nasan na cna GM? Omg umuwi na yata?? Waaa! Panu yan?? emotion_donotwant


Nyeee andito pala sila sa kanan ko! Tinitingan yung m0t0r ni chinoy! Siguro yoon nga ang pinaguusapan nila kanina haha! Ayan na bumalik na ulit sila doon sa pwesto nila at dito dumaan sa harap namin waAaA! emotion_c8


Magstart na ulet ang game! babawi kaya ang Oxford sa Karachi? Change court na sila. Andito pa naman ang mga cheerer ng Oxford nagkapalit haha. Waw ha talagang mahigpit ang laban! Pero parang mas lumalamang na ang Oxford! nandun pa din sa bata yung cellphone ni GM! At lahat na ng bata ay nakapalibot sa kanya at nanonood dun sa bata haha! Anung game kaya yun at nakaka curious naman! WAAAA! Yung short nya ngayon yung suot nya nung una ko syang nakita na hindi ako sure kung sya nga yun kasi nagtataklob sya ng damit! May number 8 kasi ung short nya! Ibig sabihin sya nga yung nakita ko dati waAaA !! cat_4laugh


Hala tap0s na ang 2nd match ng volleyball! Bumawi ang team oxford ah haha! Parang pag sa right side ng court sila ang nananalo ! Paalis na yata si Chinoy? Sa kanya nga yung motor dun oh. Sabi nya "padaan po" waw ang galang naman haha! Ayan mag start na ang 3rd match ng volleyball! hahaha kung anu ano pinag gagawa ni GM dun sa buhok nung bata ginagawang Jose Rizal haha! Napapatawa tuloy ako dito magisa. Tawang tawa din sina GM ohh tapos kung makatawa yung yumuyuko pa at napadyak pa ang paa! Nadadala tuloy ako sa kanya haha!! Oh hala panalo na ang Oxford!! cat_mrgreen


Uwian na ba? Tumayo na si gm eh! Ay ayun umuwi na nga haha! Nakuha na kaya nya ung cp nya?? Ahh aun hawak na nya hahaha! OMGee 12 am na pala!! Grabe lang ha ang tagal ko na pala dito nakatayo pero parang ang bilis lang?? hahaha! Makauwi na nga din!! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart


(P.S. eto yung table nang mag ssiomai na ginamit nung mga nagiinuman na natumba haha. Dito din bumili si GM ng palamig weee!! )





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum