Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
ALAM NA!
User Image


June 2 2013

ALAM NA!!


WAAAAAAAAAAAA!! I never super duper expect na magkakatotoo ang pagiisip ko sa jeep na paano kapag nandun si GM kena LAMAE?!!!!!!!!!! Kasi naman habang nasa jeep kami ni Princess ay iniimagine ko na paanu pag nandun si GM sa kanila ?! Pero 99% sure ako na malabo naman yung mangyari ngaun! emotion_jawdrop


Pero nung pagbaba namin.. nakita ko na ang likod ni Mak pero sya lang ang nakita ko kasi nakaharang yung jeep nila. Habang palapit na kami ng palapit ay nakita na ako ni Mak at tinanung ko kung nasan si Lamae tapos tinawag nya. Hanggang sa makarating na kami kena Lhea Mae at hindi ko inaakala na NANDUN NGA SI GM!!! Meron pang isang lalaki na kasama at nagaayus yata sila ng motor! Nung una nakatingin ako tapos super duper kabado ako pero hindi sya nakatingin samin at hindi pa nya yata alam na nandun na kami at sinabi na nga ni Mak na pumasok na lang daw kami biglang napatingin si GM sa akin ng una at tumingin ulit na parang nagulat na ewan pero hindi ako nakatingin sa kanya para kunwari hindi ko alam!! HAHAHA!! Sobrang pinagpawisan naman ako ng bonggang bongga pagpasok namin sa loob!! Pinaghalong nagulat at nanenerbyos ako na hindi maintindihan! At ang ingay pa ni LAMAE kung ano ano sinasabi na kaya daw ganun itsura ko kasi andyan si GM!!! HAHAHAHA baka narinig ni GM yun WAAAAAAAAAAA!! Naku ngaun alam na alam na sure na sure na magkakilala kami ni LHEA MAEEEEEEEEEEEEEEEEE na pinsan nyaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!! Grabeee nakakalerki! Si Princess pa naman kasama ko at hindi sina Kamla or Raquel!!! Grabe talaga wala pa naman ako deodorant at sobrang pawis na kili kili ko hahaha!! Hanggang sa pumasok na kami sa loob at napasilip talaga ako sa labas kasi parang paalis sila ni Mak! At pumasok sya dun sa may gate at nakatingin dun sa loob ng bahay nina Lamae na pinagppwestuhan ko at ewan ko lang kung nakita nya ako pero kitang kita ko sya WAAAAAAAAA!!! emotion_kirakira


Nakitsimis pa kami sa kwento ni Mak na tungkol sa mga classmate nya at sa Pudra ni GM hahaha!! Para lang daw nagturo si GM ng candy sa Pudra nya tapos binili na yung motor! Meron pang issue about kung sinu ang nanggaya haha! Grabe lang ha!! Kaya pala hindi ko sya nakita kanina sa simbahan kasi makikita ko pala sya ngaun kena Lamae! Nakakahiya na tuloy pag nakita nya ulit ako kasi alam na nya na magbarkada kami ni Lamae! Or matagal nya ng alam??? Panu na yun?? Waaaaaa!! Makakabuti kaya yun or makakasama?! Abangan sa susunod na kabanata!!! emotion_kirakira emotion_bigheart emotion_kirakira


(P.S. nagkulot kulot pa ako ng hair ngaun at feel na feel ko naman habang naguuli kami sa SM! Kasi habang inaantay namin ang text ni Kamla na tapos na sya mag bake kanina ay nagkulot muna ako ng hair!! Sana napansin ni GM yung hair ko hahaha!! Yung hair talaga ang napansin anu at hindi ako! hala wag naman sana haha!!)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum