![User Image](https://i77.photobucket.com/albums/j56/babyblerd/Secret%20Crush/1379991436044.jpg)
September 24 2013
Kalokalike
OMGEE!! Late na naman ako! Kaya dali dali ako sumakay ng jeep at pagkasakay ko ay akala ko ay nanaginip pa ako pero gising na gising ako! Si GM!! Katabi ko! Ay hindi pala, may isa pang lalaki sa tabi ko tapos si GM!! WAAAAAAAAA!! emotion_jawdrop
Truelalu ba ito?? OMGee!! Hindi pala! Parang hindi kasi madami sya pimpols sa peys! Eh hindi naman madami pimpols ni GM! Tapos medyo matangkad sya kasi abot na yung ulo nya sa bubong ng jeep! Pero parang sya nga? Pero hindi naman nya porma yung suot nya! Tapos naka pants pa sya, eh palagi naman naka shorts si GM! At etong katabi ko pala ay si Merman na friendship ni GM na magaling mag shoot sa basketball na kalaban ng team nina GM na naging MVP neto lang summer!! OMGee! emotion_facepalm
Pero hindi talaga eh! Naku bumaba na si Merman! At hindi man lang nagpaalam si Merman kay GM! Ibig sabihin hindi talaga si GM eto? Waaa magkatabi na kami ni GM! Tapos tinitingan ko talaga sya pero hindi talaga si GM to! Kasi pag naka side view kamuka talaga! At pede ko pala sya makita sa reflection ng jeep sa harap ko. At confirmed na confirmed! Hindi nga si GM hahaha!! at bumaba na sya! emotion_dowant
Nako kalokalike nya lang! Kahawig nya lang talaga pag naka side view hahaha! Ang dami ko na nakikita kamuka ni GM!! Pero si Lee Min Ho talaga ang pinaka uber duper kamuka nya pag minsan! Kasi merong pose si Lee Min Ho sa bench sa SM tapos napaisip ako parang my kamuka sya, un pala si GM! Nacrush ko na tuloy si Lee Min Ho dahil kay GM hahaha!! cat_4laugh
Ang tagal ko na ulit huli nakita si GM ah! kelan kaya kami ulit magtatagpo?? emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart
(P.S. yung P2 coin sa picture ay yung sinukli sakin at si kalokalike GM ang nag-abot sakin haha!)