Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Back View!~

User Image

October 21 2013

Back View

Last last week ng ako'y pababa na ng jeep at papasok na ng opis ay bigla akong napahinto dahil my nakita akong kagulat gulat! Nasa likod pala ng jeep na sinakyan ko si GM!! Na iba ang kulay ng motor pero naka jersey din at naka cap! Pero nung pagtalikod na nya ay iba ang apilyido at kamuka lang pala ! Hahaha adik lang!! At dali dali na akong pumasok sa opis dahil late nanaman akoooooooo!! gonk

Sya nga pala, isang kagulat gulat na pangyayari ang naganap last week din dahil nagpalit si GM ng primary picture sa fb !! Isang himala nga kasi so tagal na nyang picture yoon last year pa ng March 2012 tapos last week lang, naisipan nya palitan! ahaha ang pogi nga ehh at hindi na sya naka white, black yung damit nya! emotion_awesome

Sumimba kami kahapon at sobrang excited ako kasi 8am kami sisimba! Yung Mommy nya at si Charmaine at si Carl ang nandun! Meron pa ngang bangko sa tabi ni Carl na wala namang nakaupo at akala ko ay dadating si GM kasi online sya sa FB nung mga quarter to 8 am kaso hindi naman sya dumating huhu! emotion_0A0

At wala si Mam namin ngayon! Kaya free time kami hahaha! Kaso madami din naman pinapagawa at kami ay pumuntang Maybank para mag withdraw! Malapit na yun kena GM kaya umikot ako sa kabilang kalsada kasi magddeposit naman ako sa RCBC! At nung naglalakad na ako malapit kena GM ay unti unti ko ng nararamdaman ang kaba na kapag nandun sya ay hindi ko na alam ang gagawin ko !! AT OMGEE!! Ayun syaaaaa! Nakatalikod! Hahaha! Naka sando na white tapos naka light brown na shorts at violet na sneakers! At binagalan ko talaga ang aking paglalakad habang ako'y papalapit na ng palapit ay inaantay ko syang lumingon pero hanggang sa halos katabi ko na sya at hanggang sa kita ko na yung muka nya ay hindi na ako tumingin sa kanya na kunwari ay hindi ko alam na nilagpasan ko sya! emotion_facepalm

Namukaan nya kaya yung likod ko?? Hahaha! Hanggang sa lumiko na ako sa kabilang kanto ay gusto ko man lumingon sa kanya ay hindi ko na ginawa! HAysssssssss ang payat na nga nyaaa~ kasi yun ang comment sa kanya nung mga friends nya sa FB sa picture nya? Eh hindi naman sya tumaba?? Baka nabawasan lang hahaha! OMGee bakit kaya?? Nagkasakit kaya sya or baka kaka basketball nya?? Pero lalo naman syang pumogi eh hahaha! emotion_kirakira

I'm so kilig kahit back view at side face lang nya ang nakita ko! Sana next time full view na ulit! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart

(P.S sana dito na lang ako palagi sa RCBC mag deposit para makakadaan ako kena GM hahaha!)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum