Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Confirmed!~

User Image
December 15 2013

Confirmed!


Today is Sunday! at dumating na si Tita namin galing ibang bansa kaya naman magkikita pa lamang kami sa simbahan! Pagdating namin eh buti na lang at magsstart pa lang ang mass at merong upuan sa likod ng mga tita namin kaya doon kami umupo. Pero sabi ni Daddylu lipat daw kami doon sa left side para my electric fan daw kaya lumipat naman kami. emotion_c8

Nakita ko yung tita ni Lamae! Mga 4 chairs sa unahan namin! Pero yung isang Tita ni Lamae na wala talaga sa isip ko na baka nga andun din sila eh wala pa! Maya maya may dumating at ang mommy na ni GM!! OMGEEE! Pero hindi ako nageexpect na kasama si GM kasi palagi naman si Charmaine at si Carl lang ang kasama, At nakakita na sya ng upuan dun lamang sa katabi nung Tita ni Lamae. My tinawag si Mommy ni GM tapos hindi ako nakatingin kasi nasa left side ko sila dumaan tapos nakita ko lang ay may dumaan na naka pants edi ang nasa isip ko eh si Carl. emotion_donotwant

YUN PALA HINDI!!! OMGEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!! Si GM PALA!!!
Sobrang unexpected nanaman! Grabe parang 1 or 2 months ko na sya huling nakita?! Sa UK ko pa yata sya nakita noon ah! Kasi itong last week eh hindi kami dito sa site sumimba. Doon sa lutucan kasi fiesta doon at nakifiesta naman kami sa Tita namin! Tapos nung mga nakaraang sunday eh hindi sila sumimba tapos ung ibang sundays naman eh hindi naman kasama si GM! Grabeeeeee!! ANg cute pa din ni GM!! Hahaha!! Naku kinokontrol ko pa ang kilig ko! Hahaha!! Pero bakit sila lang dalawa?? Asaan yung mga kapatid nya?? Sila lang talagang dalawa?? Hala umangkas lang sa motor ni GM yung Mommy nya?? Sila lang talaga dalawa! ANg sweet naman ni GM!! Kasama nya yung Mommy nya pagsimba!! at sila lang dalawa talaga ha! WAAAAAAAA!! Sobrang close siguro nila at ok lang sa kanya na sila lang dalawa ng mommy nya ang sumisimba! Ang sweet kaya!! Sobrang rare lang kaya ng mga boys na ganun! Bagong kaalaman nanaman ito at bagong dahilan din para lalo ko pa sya maging crush haha!! emotion_kirakira

Kaso parang may ubo at sipon din sya!! OMGEE! Soulmate talaga kami! Kaya siguro ako nagkaroon ng ubo at sipon kasi hinawahan nya ako! Kung sya lang naman ang manghahawa ay ok na ok lang sa akin HAHAHA! At tinanung ko talaga kay Mommyta kung sinu sa dalawang Tita ni Lamae ang sinasabi nya na nabilhan nya ng bedsheet at ang tinuro nya ay ang Mommy ni GM!!! SURE NA SURE NA! CONFIRMED na talaga hahaha! Doon nga sya bumili!!!!!!! emotion_jawdrop

Nung peace be with you na ay inaantay ko sya tumingin sa likod at tumingin nga! Kaso hindi sa amin !! Kaunting kaunti na lang sana o nakita nya na ako hayssss!! Nung pipila na sa ostya ay dapat doon kami sa pila din ng family nila kaso dun kami sa gitna pumunta kasi si Sir Ramos yung nagbibigay eh naka salamin baka daw hindi kami makita sabi ni Daddylu hahaha! Kaya ayun dun tuloy kami sa gitna! Nakita kaya ako ni GM na pumila?? Haysss!!! emotion_0A0

Nung uwian na ay syempre lilingon na sila sa likod para lumakad. Eh nauna naman kami lumabas kasi nagkamustahan na sina Daddylu at yung tita ko na galing ibang bansa! Mamaya nasa kanan ko na pala sina GM! Nakita nya na kaya ako?? Napansin nya na kaya ako?? At naglakad na sya papunta doon sa motor nya! OMGEE!! Pagkakataon ko na to makita yung plate number nya!! at nakita ko na! CONFIRMED NA! Tinype ko agad sa CP ko para hindi ko malimutan! Hindi ko na kelangan manghula sa mga nakakasalubong kong black na motor kung si GM yun or hindi hahaha! emotion_facepalm

NGayong Sunday lang yata ang wala sa isip ko na makikita ko sila talaga as in! Kasi ang iniisip ko na makikita ko ay ang tita namin! Tapos sila lang dalawa ng Mommya nya ang sumimba! Sobrang nakakagulat hahaha! Kakaibang experience nanaman eto at sure na sure na iba nanaman sa susunod na kabanata! emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart

(P.S. ahahaha pinicturan ko talaga yung likod ni GM! Naka red Cap sya tapos black na fit na fubu shirt, at khaki chino pants na brown and vans shoes na color barney! super sexyyyyyyy nya!~)





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum