Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

anjhae_xorldane's Diary ~
journey to my dreams!~
Lucky Day!
OMGee! I can't believe this is all happening to me! gonk

I woke up kanina kasi ang likot ng kuya ko nakikitabi sa kama! Tapos hinanap ko cellphone ko wala daw! Edi akala ko tinago nya lang~ Tinext ko sa cellphone nya hindi ko naman narinig, tapos wala silang mga load para ma miscall yung phone ko. edi kumain na ako tapos nag computer, parang wala lang. Mga tanghali na wala pa din yung cellphone ko! And then nakita ko ung plug ng hard disk doon sa table sa salas namin pero wala yung hard disk! OMGee baka nanakaw?? Hala ehh wala kasi tao sa bahay kakadating lng daw nung kuya ko nung nagising ako! Pero impossible naman na katabi ko ung cellphone ko tapos yun lang nakuha samantala ang daming pedeng manakaw at yung isa kong old cellphone andun sa my bukasan ng ilaw kaya makikita mo agad pero bakit yun hindi nakuha?? Parang joke joke lang yata to anu ba yan! emotion_eyebrow

Haysss lumipas ang maghapon wala pa din, baka mamayang gabi ilabas na nila. Dumating na si Mommyta at ang sister ko at try ko tawagan kaso out of coverage na daw! Hala eh hindi pa naman yun lowbat at bago ako matulog eh nacheck ko pa na 70% pa ung batt ko! WAAAAAAAAAA!! Nanakaw na ba talaga?? emotion_donotwant

Maglalaba na dapat ako kaso kulang na pala yung sabon kaya bibili ako. ABA!! Yung bag ko nawawala din?! Nandun yung purse ko na may money and stuff!! Yung mga ID ko, yung pang connect ko sa earphones and yung EYELINERS KO!! NAWAWALA DIN?! Ibig sabihin 3 items nakuha?? At sa magkakaibang lugar pa?? At puro gamit ko pa?! NAKAKALOKA!!!!!!!! emotion_drool

Gabi na at pinuntahan namin si Kuya ko doon sa shop nya para magimbistiga at baka tinago nya lang nung tumabi sya sakin kanina! Kaso hindi daw talaga! Pag dating nya doon ay binuksan nya lang ung eletrikfan kasi wala daw ako eleftrikfan eh mainit? Hala eh alam ko nilagay ko yun kagabi eh bago ako matulog! Anu ba yan! Yung isa ko pang Kuya ehh sarado na kaya hindi na namin naimbistigahan at yung dalawa ko namang kuya ay parehas umalis na kaya hindi namin sila matanong. Pero muka namang hindi sila nagjojoke na nawawala talaga! OMGee panu na yan! Kakalipat ko pa naman ng mga files doon sa CP ko at nilagay ko sa computer kasi hindi ko pa nauupload yung iba sa youtube tapos mawawala agad agad kinabukasan??? Ano to lokohan?? emotion_awesome

Hay naku ewan ko, hindi ko na nga natapos ung ineedit ko na video. Pag-uwi naming bahay galing sa pag imbistiga at naglakad lakad na din kami sa labas kasi mainit sa bahay, nagcheck ako ng FB ko at pag tinngin ko nakita ko ang name ko sa fan page ni Angel Locsin!!! emotion_jawdrop

Kasali ako sa lucky fans nya nag makakasama bukas para sa 50th episode nila!!!!!!!!! Kagabi kasi napanood ko sa commercial yoon kaya naman gumawa agad ako kasi ngayon agad ung deadline! Buti na lang talaga gumawa agad ako at nasend ko sa email! Kaso yun na yata ang last kong video kasi diba nga nawawala yung CP ko WAAAAAAAA!! emotion_0A0

PERO OMGEE!! Makakasama ko ang mga cast ng Legal Wife bukas!! WAAAAAAAAAAA!! Makikita ko na si Angel in person!! Sobrang gusto ko talaga kasi sya kasi sobrang ganda nya at! Pero wala na talaga sa isip ko to kasi kagabi nga excited pa ako na kung makasali man ako anu yung gagawin ko! Ehh inagaw naman ang moment ko ng nawawala kong CP!! Pero eto na! Officially kasali na ako bukas!! Hindi ko na alam gagawin ko hahaa nagsisigaw na ako dito sa bahay! Anu ano ba ang mga kelangan?? Naku pagkakataon ko na to makita sa TV!!! sa primetime pa!! OMGee!!!! THIS IS A DREAM COME TRUE!! I'm so lucky lang talaga!! Kanina lang ang lungkot kasi ang daming nawawala tapos ngayon eto naman! Sabi nga nila pag my umaalis, my dumarating!


Mag gagayak na muna ako at bukas ko kwento ang mga mangyayari!!
emotion_bigheart emotion_bigheart emotion_bigheart

part 2 the day of the taping, coming soon.





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum