Ganda ng laban. Adamson vs. Ateneo. Final score is ADU=63, ADMU=69. Sa simula parang nagtatanga-tangahan yung Ateneo. Tambak sila ng Adamson. Si Salamat lang yung tumitira. Eh bumalik pa ko sa homwork kaya hindi ko napansin kung ano yung nangyari sa third quarter. Bumalik ako, fourth quarter na. Tambak naman ngayon yung Adamson. Pero masyadong ego-maniacs yung taga-Ateneo. Napansin ng mga Adamson na tila pagod sila. Tumira nang tumira si Cabahug. Anggaling nga eh. Lalo na sa mga 3-points. Medyo raw nagcacramps ata yung tuhod ni Cabahug. Tumira nang tumira sila Tiu at Al-Husseini habang nagaassist at nagrerebound si Salamat. Kinalabasan, tie, 51/51. Si Arao na kanina pa raw nasusupalpal, gumanti nung sudden death ata. Ambilis tapos ambangis tumira. But I'm still wondering kung bakit parating naoopen pag nasa kanya yung bola...... Oh well. Tapos, biglang bumigay si Cabahug. Namimilipit na sa sakit. Nagtatap-out pa nga eh. Fear the power of cramps! Nanalo rin yung Ateneo (duh xd ). mrgreen
Wheeeeeeeee,
Neil
Neil