Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

Report This Entry Subscribe to this Journal
asteroidb162's Notebook
My Life's Significance
Ang Onomatopiya ng Puso
Kung nagtapat sa iyo ng pagsinta ang isang nilalang na hindi mo naman batid, ano ang iyong magiging reaksyon? Ikaw ba ay magagalak? O Matutuwa? Marahil ikaw ay matatakot.
Sa aking sariling pangunguluhugan, ang pag-ibig ay nananalaytay lamang sa diwa ng higit sa isang tauhang may sosyolohikal na pakikipag-ugnayan. Walang muwang sa tunay na pag-ibig ang nag-iisang katauhan sapagkat ito ay “Tsug! Tsug!” at hindi “Tsug!” Mula rito, mahihinuha natin ang magkabilaang mukha ng puso. Ang una ay puri, banayad at kaayaaya. Ito ang existensyang nakakababad sa Kanyang sagradong dugo. Umaagos. Maligalig. Ito ang kung-tawaging pag-ibig na walang kondisyon. Wala itong hinihinging kapalit bagaman wagas. Binibigyang-buhay nito ang ideyang “Ako ay para sa iyo… Iniibig kita.”
Sa kabilang dako, nakasabit naman ang larawan ng isang lilo at mangmang na puso. Ito ay matutukoy bilang ang pag-ibig na mayroong kondisyon. Ito diumano ay nagdudulot ng panandaliang kasiyahan na may kaakibat na kataksilan. Palibhasa dikta ni Makasarili, may kakayahang manuyo ng kanyang gagamitin. Siya ay mangungutang hanggang dumating sa puntong tigang na ang pinagkautang lupa. (Kung iisiping mabuti, hindi ito maituturing na isang pag-ibig.)
Ang maarteng kurbada ng puso ay naghuhudyat lamang ng adbentura kung saan ang alapaap ay makulay at hindi madilim; ang daan ay maluwag at hindi makitid; at kung saan tanging maririnig ang nag-aawitang ihip ng hangin. Mahirap man ang makisabay sa mga nagliliparang nota ng soprano - na tila ba perpekto ito, ang paghimig nang mula sa sariling komposisyon ang magpapatunay na kapantay din ito ng walang hanggang halaga ng akda ng Poon, ang Puso.
Masasaksihan natin sa simetrikong ilustrasyon nito na ang pag-ibig ay ang realismo kung saan nagtatagpo ang epitomyo ng pakikipagkapwa at lagom ng katotohanan. Ito ang damdaming nananahan kapag tumitibok, at mananahan kapag isipa’y tumino.

高兴,因为我们没有理由感到伤心
User Image - Blocked by "Display Image" Settings. Click to show.

`Li
Community Member
  • [10/26/07 11:21am]
  • [10/26/07 11:19am]
  • [10/26/07 11:18am]
  • [12/03/06 09:16am]
  • [04/19/06 06:36am]
  • [04/03/06 03:05pm]
  • [04/02/06 08:39am]
  • [12/30/05 05:14pm]
  • [12/24/05 04:06pm]
  • [12/21/05 09:49am]



  •  
     
    Manage Your Items
    Other Stuff
    Get GCash
    Offers
    Get Items
    More Items
    Where Everyone Hangs Out
    Other Community Areas
    Virtual Spaces
    Fun Stuff
    Gaia's Games
    Mini-Games
    Play with GCash
    Play with Platinum