Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal


User Image - Blocked by "Display Image" Settings. Click to show.
iKaW...
Mula sa aking pwesto ay pinagmamasdan ko sya, bawat galaw at kilos niya ay itinatatak ko sa aking isipan. Lalo na ang kanyang ngiti, buo na ang araw ko pag nakita ko siyang nakangiti. 'Siguro nga hanggang dito na lang ang magagawa ko.' sa isip ko, ibinaba ko ang aking tingin at bumuntong-hininga.

Ang hindi ko alam, narinig niya ang aking buntong-hininga, nung nakita niya akong nag-iisa nilapitan niya ako, nagulat na lang ako nang makita ko siya sa tabi ko.

"Anong problema, ba't ang lungkot mo?" tanong niya.

"Wala, may iniisip lang ako." sagot ko.

"Siguro iniisip mo si 'eR noh..." tukso niya sa'kin.

Medyo naiinis ako sa sinabi niya, kaya hindi ko mapigilang mag-sungit.

"Hindi noh!" sabi ko na halata sa'king boses ang pagka-inis.

Napansin niya yun at tinanong niya, "Bakit ang sungit mo ngayon?"

'sino ba namang matutuwa, kung itukso ka sa hindi mo gusto' sa isip ko. Bumuntong-hininga na lang ulit ako, "Wala, sorry kung nasungitan kita, wala lang kasi ako sa mood na makipag-biruan."

"ganun ba?", tumango ako at nanatili na lang tahimik. Hindi na rin siya nagsalita, mukhang may iniisip. Ok na sa'kin ito, magkatabi kami, ini-enjoy ko na lang ang moment na ito, baka kasi hindi na maulit. Ilang sandali pa ang lumipas na tahimik kaming nakikiramdam sa isa't isa. Maya-maya nag-salita na siya, tinanong niya sa'kin ang isang bagay na ayoko munang pag-usapan.

"Oo nga pala, nakausap ko si 'eR, sabi niya binasted mo daw siya, dahil may iba ka na daw gusto, totoo ba yun?"

Nanatili akong tahimik, iniisip kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya.

"Oh, ano? Hindi ka na kumibo diyan?"

Napabuntong-hininga ulit ako, ilang beses ko na bang ginagawa yun, ang hirap naman kasi ng sitwasyon ko.

"Oo, binasted ko siya. Hanggang friends lang ang kaya kong i-offer sa kanya, may iba na kasi akong gusto."

"Hala!", trademark nya na yang word na yan, hanggang ngayon nagugulat pa rin ako pag sinisigaw niya yang word na yan. "kawawa naman si 'eR....wala na talaga siyang pag-asa sa'yo"

Napatango na lang ako sa comment niya...sana wag niya na akong tanungin kong sino ang gusto ko...alam ko na itatanong niya pa rin iyon, pero umaasa pa rin ako na sana wag na niyang tanungin...

"eh, sino naman yung gusto mo?", mukhang walang duminig sa'king paki-usap....

"hindi ko pwedeng sabihin" sagot ko.

"Sige na, sabihin mo na, para naman tayong hindi mag-kaibigan niyan eh."

"Aba, nang guilty pa! Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo"

"at bakit naman hindi?" tanong niya.

"basta, hindi pwede."

"sige na, please...."

"hindi nga pwede" nag-matigas talaga ako.

Pero patuloy pa rin siya sa pangungulit, mukhang determinado talaga siyang kulitin ako hanggang sa sumuko ako at sabihin sa kanya kung sino ang gusto ko. Umabot ng ilang minuto ang pangungulit niya at pagmamatigas ko....mi-isa sa'min ay hindi magpapatalo sa isa't isa....

"Sige na, sabihin mo na." kulit niya sa'kin.

"hindi nga pwede, ang kulit moh." pagmamatigas ko sa kanya.

Nagpatuloy ang ganitong proseso ng ilang minuto pa, hanggang sa....

"Sige na nga!!!!!! tumigil ka lang sa pangungulit!!!"

sumuko ako.....

"Yehey!!!!sasabihin niya na!!!"

Tuwang-tuwa ang loko, matuwa pa kaya siya pag nalaman niya na siya ang dahilan kung bakit binasted ko ang kaibigan niya....

"Oh, ano? Sasabihin mo ba kung sino ang gusto mo?"

Napabuntong-hininga NA NAMAN ako...at tumayo... naka-serious mode ako....

Hinarap ko siya at tinitigan sa mata. "Gusto mo ba talagang malaman?", tumango siya...iniwas ko ang paningin ko, "wag ka sanang magalit sa'kin..." binulong ko sa sarili ko, ang hindi ko alam narinig niya yun, magsasalita sana siya, kaso hindi niya naituloy nung hinarap ko ulit siya at tinitigan sa mata. Alam kong nababasa niya yung lungkot na naka-rehistro sa aking mukha.

"IKAW...."

to be continued.....


*leave a comment...^^*






User Comments: [1] [add]
-fAlLeN_CeLeStIaL_mAiDeN-
Community Member
avatar
commentCommented on: Fri Jul 06, 2007 @ 02:19pm
eek


ang ganda ah...
may cliff-hanger... excited na ako para sa part2... wink


User Comments: [1] [add]
 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum