Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal


User Image - Blocked by "Display Image" Settings. Click to show.
iKaW (chapter2)
*hey guyz, ito na pala yung continuation ng story ko...

"IKAW..."

Nang lumabas na sa aking labi ang mga salitang ito, napatitig na lang ako sa kanyang mga mata. Naka-rehistro dun ang pagka-gulat. Malungkot ko syang nginitian...

"I'm sorry, dahil sa dinami-dami ng magugustuhan ko, ikaw pa...nung una akala ko simpleng paghanga lang itong nararamdaman ko, iniisip ko na lang na mawawala din itong paghangang ito, kaso nung nagtagal hindi ko inakalang lalalim itong damdaming ito, hindi ko na mapigilan ang sarili ko...araw-araw na lang lagi kitang iniisip...hindi ko na mapigilang umasa na sana maging tayo...na sana magkaroon ako ng puwang sa puso mo, hindi bilang isang kaibigan kundi mas higit pa dun...pero alam ko hindi mangyayari yun, kasi may iba ng nagma-may-ari sayo..."

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang aking mga luha habang nagtatapat ako sa kanya. Nababasa ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat at pagkalito. Hindi ko sya masisisi kung ganyan man ang maging reaksyon, pagtapatan ka ba naman ng kaibigan mo na gusto ka nya, di ka kaya magulat? Pero hindi pa ako tapos sa mga rebelasyon ko, kailangan nyang marinig ito, dahil matagal na itong nakatago at kailangan ko ng ilabas.

"Nung malaman ko na may gf ka na, nakaramdam ako ng kakaibang lungkot, ang bigat ng nararamdaman ko nun, parang gusto kong magmukmok sa isang tabi at tahimik na umiyak. Dun ko na-realize na nahulog na pala ang loob ko sayo. Kahit na masakit pinilit ko pa ring umarte na wala lang. Umakto pa rin ako na isang mabuting kaibigan. Pero sa bawat oras na magkasama tayo, lalo lang akong nahuhulog sayo, lalo lang din nadaragdagan ang sakit na nararamdaman ko."

Nung matapos kong sabihin ang lahat, isang napaka-awkward na katahimikan ang sumalubong sa aming dalawa. Hindi sya makapag-salita pagkatapos kong magtapat, ako naman hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Patuloy pa rin sa pagpatak ng aking mga luha, parang ayaw ng tumigil.

Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, pinunasan ko ang aking luha at ngumiti sa kanya, "wag kang mag-alala, hindi naman ako humihingi ng kapalit sa nararamdaman ko. Gusto ko lang malaman mo itong nararamdaman ko at sana magkaibigan pa rin tayo, kahit hindi na katulad ng dati ang pagkakaibigan natin. Alam ko namang mangyayari ang ganun pag nag-tapat na ako eh...malungkot pero kakayanin ko...hindi ko pinagsisisihan ito...kahit papano magaan na ang pakiramdam ko dahil ipinagtapat ko na sa'yo ang katotohanan. Salamat ah, kahit papano nanatili ka at pinakinggan mo ako..."

Niyakap ko sya ng mahigpit at pagkatapos ng ilang sandali binitiwan ko sya at binigyan ng isang ngiti.

"Sige, mauna na ako, hindi na ako makakasama sa jamming. May pupuntahan pa kasi ako eh. Pasensya na ah, importante lang kasi eh."

Hindi totoong may pupuntahan ako, sinabi ko lang yun para makaalis ako kasi hindi ko na kaya yung katahimikang bumabalot sa amin at tsaka yung awkwardness ng sitwasyon. Lalo lang dumdagdag sa sakit na nararamdaman ko ang pagiging walang kibo nya pagkatapos kong sabihin ang lahat-lahat sa kanya.

Habang naglalakad ako palayo, nakasalubong ko ang bestfriend ko kasama ang bf nya. Nginitian ko sila, nagpanggap ako na walang nangyari. Pero sa tingin ko, alam na nila ang nangyari. Yung tingin kasi na ibinibigay nilang dalawa sa'kin eh, parang sinsabi na alam na nila. Bumuntong-hininga na lang ako.

"yo! Pasensya na, hindi muna ako makakasama sa jamming ngayon. Kailangan ko ng umalis."

Tumango na lang si bestfriend. Di nya na ako pinigilan at tinanong. Siguro naiintindihan nya ang nararamdaman ko. Nalilito, hindi alam kung anong gagawin, at gustong mapag-isa...yan ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

11:50 am...maaga pa.

Ayoko pang umuwi kaya pumunta ako ng Ever at dun nagpalipas ng oras hanggang sa makaramdam ako ng gutom. Dumiretso ako sa Mcdo kung saan madalas kaming kumain, umorder ako at umupo malapit sa bintana kung saan kitang-kita ko ang studio kung saan nagja-jamming ang mga kaibigan ko. Sandali lang naman ako kakain, sigurado ako hindi na nila malalaman na nagsinungaling ako sa kanila na hindi ako makakasama sa jamming.

Tapos na akong kumain at nagmumuni-muni ng may biglang pumasok sa isip ko. Ano kaya kung ibuhos ko sa pagsusulat ang pag-uusap namin ni Jaycee pati na din ang mga damdaming nagpapahirap sa aking kalooban? baka sakaling sa ganitong paraan gumaan ang pakiramdam ko.

At yun na nga, kumuha ako ng papel at sinubsob ko ang sarili ko sa pagsusulat, na parang ito lang ang kaya kong gawin sa mga oras na iyon. Lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan pati na din ang taong nakatayo sa aking tabi, pinapanood ako sa aking ginagawa. Ilang sandali pa ang lumipas bago ko napansin ang taong ito. Itinaas ko ang aking paningin upang makita ang taong ito.

Sobrang pagkagulat...yan ang mababasa sa aking mukha ng makita ko kung sino ang taon iyon...pagkatapos ng nangyari...


to be continued





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum